Google

Saturday, February 26, 2005

Photobucket

This is a test post from Photobucket.com

Friday, February 25, 2005

haay

matagal tagal naring panahon at ngayon pa lang ulit ako makakapost.

well ano na bang nangyari?

it is still the usual events in my life

still boring.

ewan ko

nagmidterms kami sa macrec2 i just hope na sana ay pumasa ako dahil kung hindi minus 35% na ako.
minsan talaga may mga nangyayaring mali pag nagtetest ako
carelessness ko ang dumale sa akin
but sabi nga ng kasabihan learn from your mistakes
kaya nga lang ilang beses na akong naganon

oh well
may magagawa pa ba tayo

atsaka wala pa pala akong topic si micrec2
ayun lang!!!

pero may naiisip na ako


for example the application of game theory in industries
to open up the market

o kaya peakload pricing sa mga highways

or price discrimination

atsaka tungkol sa mga barriers sa pinas

tungkol sa competition

ewan ko basta ayun na

Saturday, February 12, 2005

wala naman

nohing to do

Friday, February 11, 2005

ewan ko hindi naman ganoong kaimportante

ewan ko la akong maisip. ang boring ng mga happenings. routinary. paulit-ulit na lang. bland. walang kakulay-kakulay.
at ayun lang

at saka nga pala comelec pala ako haha
stig hindi ko nga lang alam kung anong ginagawa dun maliban sa magbantay ng voting booths ng mga tao at ayun pero at least nagvolunteer ako.

basta yun malamang ang goal ko for the next school year. ang maging active. although hindi ko personality ang pagiging involved sa activities basta kailangan man lang meron akong active involvement for the next year

ano pa ba? wala namang nangyayari. basta naiisip ko ang bilis ng panahon. parang yung mga nakaraan mo ay parang kailan lang. parang kailan lang ay tayo ay mga bata pa na walang kamuwang muwang sa mundo. tapos ngayon malapit na akong magtwenty although two years time pa iyon, sa tingin ko mabilis lang iyon and the next thing i know is twenty na ako.

naastigan na ako sa eco. wala lang parang andami dami ko nang natututunan. although pag nagbabacktack a bit ako medyo nakakalimutan ko na. siguro marahil, malamang ay mahina long term memory ko. pero sana naman ay hindi.

next year accounting na naman ulit ako. medyo dormant na ang accounting sa utak ko. kailangan ulit buhayin. modular pa naman din kailangan seryoso na naman ako. actually seryoso naman ako pero parang balewala.

Tuesday, February 08, 2005

hell week

di naman siguro
3 tests ko for dis week
sa sabado may cosca pa!!
but this is just one week
i know that there will
be more of things like this
or even worse than this week

astig talaga sugarfree!!!
nakakarelate lang ako sa mga kanta nila
ang galing
napakalonely, ano pa ba? sad
ewan
siguro kasi ako'y
........
hindi naman siguro
habang pinapakinggan ko ang sa wakas na album nila
wala lang ang ganda nung album na iyon!!

anyway, siguro ok lang itong week na ito
hindi pa naman ganoon kagrabe
pero ang galing
talaga

need i say something more?

wala naman nag quiz kami sa econmet
sana ok lang score ko
basta fair lang
hindi naman ako naghahangad ng mataas
basta ok lang yung score ko masaya na ako


Sunday, February 06, 2005

ang pagpapaalam

pag wala na ang nadarama kailangan na ang magpaalam........................
at ayun lang

pero iuupdate ko nag blog from now on

isang kanta na nagawa ko
pero matagal na ito
astig kasi kaya gusto kong ipublish

Paalam na

Dati ang sabi mo'y sawa ka na
sa aking pag ibig ay ayaw mo na
ngunit tinuloy pa rin ang pagsasama
bakasakaling, may pagibig pang natitira

bat pa ba natin to pinipilit
wala nang nanyayari sa atin
at ang dating kay tamis na pagsasama
ngayo'y naglaho na

at ngayon, wala nang nadarama
tila ba ang init ay nagyelo na
at ang iyong halik sa akin
di natulad ng dati na puno ng lambing

kaya paalam na
ito ang dapat na nating gawin
alam kong kayhirap sabihin
ngunit kailangan nang tapusin
kung wala na ang pagibig

o ang kasiyahan,
ay naglaho na sa ating dalawa
ngayo'y laging problema ang dala ng ating pagsasama
kung kaya dapat na natin tong wakasan

so that is all

isa pa ito

ito fully established na sinulat ko
pero hindi ito kanta

semi tula lang
here it goes:
nalilito ako, naguguluhan nawiwindang
tila ako'y paikot-ikot lang
wala namang patutunguhan
kahit anong gawin ko, para sayo ay
ako'y walang katuturan naman

ewan ko ba, di ko makuha
ang iyong pinapahiwatig
kung oo ba o hindi,
may pag asa ba o wala?

sa isang araw parang tayo na
sa sususnod namay parang wala lang
para naman akong tanga
nasusunod-sunod sa bawat iutos mo
parang bata na kaya mong mauto

ngunit para sayo ay ayos lang
kahit mahirap ok lang
marahil hindi ngayon o bukas
ngunit balang araw
ay madarama mo rin ito

kahit puso mo ay bato
ay bakasakaling lumambot din
at bumigay sa pagibig

siguro malabo rin ako
kaya di mo napapansin
pero kahit ganito
sana ay makita ng iyong damdamin
na ang tunay na nagmamahal sa iyo
.......................ay ako.

nothing in particular

wla lang i just like to make stuff
kaya eto naisip kong gumawa nang
quasi tula ,quasi kanta
anyway wala namang nangyayari
just letting out my frustrations/feelings
sa mga ginagawa
tawag ko dito paradahan pero pwede naring colorum song
as inspired by colorum

ehem:

nagaabang sa may paradahan
naghihintay ng masasakyan
patungo sa uuwian
mayamaya lang ikay dumating
sa may paradahan na nagiisa
at papauwi na rin

mayamya lang andyan na ang sasakyan
na magdadaka sa ating uuwian
at tayoy nagsabay, na sumakay at
naglakbay

sa ating biyahe, tayo'y magkatabi
di katagalan ay nagusap na at
nagkuwekuwentuhan
amg dami kong mga natutunan
tungkol sayo na dati ay
hindi ko alam

salamat na lang at nagkasabay tayo
sa biyaheng ito, tila andami na nating
napuntahan habang nagkuwekuwentuhan
kahit sandali lang ang oras
na tayo ay magkakasama

at ika'y bababa na
pagbukas ng pintuan tayo'y
nagpaalam na
kailan kaya, muling makakasabay
ikaw muli, kahit sandali, lungkot koy mapawi

pag kasama ka ako ay sumasaya
at nawawala ang lungkot na nadarama
sa biyahe lang ba na kita ay muling makakasama

at iyon lang po

Thursday, February 03, 2005

Macrec2

kakatest lang namin ngayon sa macrec2 ang hirap bwiset! nagaral pa naman ako pero babawi ako sa susunod!!! tandaan mo to!!!
theory of slow start na naman ang nangayayari!!!