Google

Friday, June 01, 2007

para sa mga torpe

torpe ka ba??? kung oo makakarelate ka sa mga kanta na ito... pag pasensyahan nyo na kung walang mp3 na kasama...download nyo na lang... dial-up lang po e.. to compensate i will post na lang yung mga lyrics or you can check out the lyrics na lang.... idedescribe ko na lang tapos isusulat ko na lang yung mga lines na torpe... kung may suggestions pa kayo... icomment nyo na lang....

1. Sugarfree - Kailan Ka Ba?
- Kung wala pa kayong bagong album ng Sugarfree na talaarawan i suggest na bumili na kayo ng album nila, definitely one of the best songs sa album nila. this song is parang may desperation kasi nagtatanong na yung kumakanta kung "sino ka ba? nasaan ka ba? Kailan ka ba darating?" at ang matindi niyang tanong "sino ka man dumating ka na, please?" nagmamakaawa na sana magkaroon siya..haha

- Nangangawit
- again from Talaarawan (in English Diary), isa pang torpe song at nangangawit na ang puso niya. bigyan ko kayo one line. ayon sa sugarfree song nangangawit "Di mo ba napapansin sa mga nakaw kong tingin?, ang hindi masabi ng labi, ay kinukubli sa ngiti, hanggang kailan ko dadalhin aking lihim na pagtingin, kung hindi mo pa alam, ewan ko na lang" isa pa "dinggin ang di kayang sabihin ng puso kong malapit ng mangawit"

2. Parokya ni Edgar - Gitara
-Marami na ring torpe songs na nagawa ang parokya ni edgar... this is from their latest album. hindi naman ito torpe song actually, parang expression of love in a different way. but still yung line na "idadaan ko na lang sa gitara" yung clincher
- Kailan Pa?
- One of my favorite songs sa Gulong Itlog Gulong, may istorya pa ito sa bandang dulo, parang naiwan silang dalawa lang pero nung nakaharap na raw di niya nasabi na mahal niya siya...hehe
- Gising Na
-Hindi na lang niya ginising yung gusto nya at sabihin na mahal niya.... bka masira pa yung tulog..haha..
- Sayang
- I call this song a friend angle song... yung lagi mong nakakasama na gusto mo na hindi mo maligawan, tpos nagkaroon tpos magiisip ka ng what could have been?...arghh...gnun yung feeling dba? hehe

3. Eraserheads - Torpedo
- sa kantang ito inamin naman niya na ganap siyang torpe dyan sa tabi-tabi..no further explanations needed..

4. Orange and Lemons - The Nerve
-" I do not have the nerve to take a chance on you, I find it hard to tell you cause its hard for me to take this feeling of hopelessness" o di ba? saan ka pa.. first verse pa lang yan ng kanta, torpe na...wait till you hear the chorus nagtatanong na yung tao " when can I make it work"

5. Hungry Young Poets - Torpe
-title pa lang ulam na.. pero this is on girl's point of view na may gusto siyang guy pero torpe...haha..hmmm?? my favorite line dun sa kanta is "Ba't mo pa kailangang magtanong, Kung alam mo na, Alam mo na" di ba astig yung lyrics ng kanta

6. Indio I - Di mo Lang Alam
- This is a reggae band at eto ang ultimate reggae torpe song nila. "Hindi mo lang alam, ikaw ang tanging buhay ko, Kung Alam mo Lang, Ikaw lang ang iniibig ko" Paano Ko sasabihin sa iyo, ang tunay na layunin ng Puso ko?" tapos paulit ulit nya yang sinasabi, mararamdaman mo yung feeling of hopelessness nung tao...sheesh good song talaga i suggest you download the song..

7. True Faith - Wag na Lang Kaya
- gusto ko sanang iexplain pero wag na lang kaya, haha.. gnun din yung kantang wag na lang kaya, gusto ko pero wag na lang kaya... urong sulong..haha

- Muntik Nang Maabot ang Langit
- super dramatic na torpe/nanliligaw song. yung mga tipong almost on the verge na magiging kayo na but something happened along the way na di mo alam kaya di nag move to another level ang relationship nyo...another what might have been song!!!

Marami pa yang ganyang songs actually na galing sa bands like side A (ang aking awitin), shamrock (alipin), bloomfields (alam mo na yun - original song nila, go check out their album maganda yun, pang tatay yung mga kanta nila (complement yun) ), The Company (Pakisabi na Lang), Aiza Seguerra (Pagdating ng Panahon), etc kahit makaluma may alam din ako tulad ng sa the Beatles (It's only Love), Jim Croce (i'll have to say I love you in a Song), Cat Stevens (How Can I tell You), Phil Collins (You Can't Hurry Love")

*maaaring tanungin nyo ako, bkit ko ito pinost? hmmm...paano ko ba sasabihin?? di ko masabi e.. hwag na lang kaya, nahihiya ako e, hindi ko kayang sabihin. next time na lang pag may tamang pagkakataon, bahala na ang tadhana. Wag nyo nang tanungin, kung alam nyo na, alam nyo na, Bat pa kayo nag tatanong? at ayan ang aking explanation kung bkit ko it pinost

2 comments:

punkiliciousss said...

ang explanation kung bakit mo yan pinost ay dahil isa ka sa kanila. peace! memoryadong-memoryado ah! ano ka ba keno! move move move! suporta lang kaming friends mo!

keno said...

aral muna!!!!!!